Insidente

Nasugbu 14

14 na pulang mandirigma o ang binansagang Nasugbu 14 na namartir noong Nobyembre 28, 2017 sa isang operasyong ambus ng AFP-PNP sa National Highway sa Barangay Aga at Kaylaway, Nasugbu, Batangas. Ang kanilang yunit ay nasa proseso ng paglipat upang puntahan ang isang baryo ng mga magsasaka na biktima ng pangangamkam ng lupa ni Henry Sy nang sila’y tambangan ng pinagsamang elemento ng AFP-PNP. Magiting silang nakipagpalitan ng putok at nagawa pang makapatay ng lima habang naiwang sugatan ang apat na kaaway.

Pinakamataas na pagpupugay at pagdakila kina Henry delos Reyes (Ka Jessie), Joshua Hernandez (Ka Maru), Carl Labajata (Ka CJ), Evelyn Nuestro Manalo (Ka Anna), Anne Casilac (Ka Bella), Glenmark Aytona (Ka Zenki), Anthony Pilit (Ka Jasmine), Alfred Cadag (Ka RM), Zaldy Aurin (Ka Venus), Julieto Pellazar Jr. (Ka Buwi), Josephine Lapira (Ka Ella), Roberto Dolleton (Ka Hasan), Kamil Manangan (Ka Alex) at Graciela Mae Penkian Pacaldo (Ka Alena).

Sipi, mula sa:
Dakilain ang rebolusyonaryong buhay at pakikibaka ng mga martir ng Nasugbu 14
Simeon Magdiwang | Spokesperson | NDF-Cavite | NDF-Southern Tagalog | National Democratic Front of the Philippines
November 28, 2024

Parangal