Ka RM_Alfred Cadag

Alfred Cadag (Ka RM)

Nov. 28, 2017

Si Alfred Cadag (Ka RM) ay isang kabataang magsasaka na itinulak ng kahirapan at nakipagsapalarang maghanapbuhay sa lungsod. Dahil dito, napadpad siya, kasama ang kanyang ina at kapatid, sa Sto. Tomas, Batangas. Ipinanganak siya noong Nobyembre 27, 1998 sa prubinsya ng Quezon.

Simula 2015, palagi na siyang sumasama sa mga pagkilos ng mga manggagawa at iba pang sektor. Kasama rin siyang sumuporta sa welga ng mga manggagawa sa Tanduay kung saan nasaksihan at naranasan niya ang pandarahas sa piketlayn ng mga pulis at goons ng kumpanya. Kabilang din siya sa grupong pangkultura na nagtatanghal sa mga pagkilos.

Naging kasapi siya ng Liga ng Kabataang Komunista (Young Communist League) habang naghihintay na sumapit ang edad na 18 taong gulang para sumampa sa hukbo. Sa pagdiriwang ng ika-48 anibersaryo ng Partido, naging kasapi siya ng Partido Komunista ng Pilipinas at nagpasyang sumampa sa BHB. Nakita niya ang kawastuhan ng armadong pakikibaka na tanging solusyon para mapalaya ang tulad niyang aping magsasaka.

Kabilang siya sa Nasugbu 14.

Nasugbu 14