Ka Maru_Joshua Hernandez

Joshua Hernandez (Ka Maru)

Nov. 28, 2017

Si Joshua Hernandez (Ka Maru) ay produkto at iniluwal ng masikhay na gawaing masa at kampanyang pagpapasampa ng yunit ng Hukbo sa kanilang baryo. Si Ka Maru ay mula sa pamilya ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa tubuhan sa Barangay Mataas na Pulo, Nasugbu, Batangas.

Wala pang 18 taong gulang, nagpahayag na si Ka Maru na sumampa sa BHB. Ngunit dahil hindi ito pinahihintulutan ng alintuntunin ng hukbo, itinalaga muna siya sa gawaing pag-oorganisa sa kapwa kabataan at naging aktibong aktibistang pangkultura.

Noong 2015, nang tumuntong sa edad 18 ay sumampa na si Ka Maru sa hukbo at sumabak sa pagsasanay-militar. Sa batang edad ay nakakitaan siya ng potensyal na maging isang kadreng militar. Nagsimula siya bilang bise iskwad lider at kalaunan naging iskwad lider, at pinalahok sa mga panrehiyong gawaing militar.

Isa si ka Maru sa napakabatang kasama na namartir sa Nasugbu 14 ngunit sapat at walang pagtatangi ang naging dakilang ambag niya sa bawat kabataan.

Kabilang siya sa Nasugbu 14.

Nasugbu 14