Ka Bella_Anne Casilac

Anne Casilac (Ka Bella)

20, Nov. 28, 2017

Si Anne Casilac (Ka Bella), 20 taong gulang, mula sa uring magsasaka ay galing sa isang pamilya ng mangingisda sa Cebu. Nang mapadpad sila sa tabing-dagat ng Barangay Lumanyag, Lian, Batangas ay doon na sila nanirahan. Doon na siya namulat at naorganisa ng mga kasama.

Isa si Ka Bella sa mga aktibong nanindigan para sa pagtatanggol sa kanilang karapatan sa lupang panirikan sa harap ng demolisyon sa komunidad. Planong tayuan ng mga resort ang kanilang lugar sa kapinsalaan ng mga residente.

Nang maimbitahan siyang dumalo sa isang pagdiriwang sa anibersaryo ng Partido sa loob ng sonang gerilya, dito niya nakilala ang BHB hanggang sa nagpasya na siyang makipamuhay sa Hukbo. Hindi naging madali ang pagpapasya para kay Ka Bella dahil sa pagtutol ng kanyang mga magulang. Sa huli, nanindigan pa rin siya para sa kanyang desisyon.

Nagpultaym si Ka Bella sa hukbong bayan noong 2017. Sa maikling panahon niyang pagsisilbi sa bayan bilang BHB, naging upisyal siya sa gawaing medikal at lohistika. Nakadalo rin siya sa mga pagsasanay at sumabak sa ilang gawaing militar bilang bise iskwad lider. Pangarap niya noon ang maging kumander.

Kabilang siya sa Nasugbu 14.

Nasugbu 14