Carl Labajata (Ka CJ)
None
Si Carl Labajata (Ka CJ) ay isang mahusay na kabataan mula sa komunidad ng pangisdaan sa Barangay Mataas na Bayan, Lemery, Batangas. Nagmula sa Pasay ang pamilya ni Ka CJ, nademolis at napalipat sila sa Paliparan sa Cavite.
Dahil sa hirap ng buhay, lumipat sila sa Lemery, kung saan ang trabaho nila ay mangalakal ng basura gamit ang kanilang padyak. Subalit sa kanilang paglipat ay nakaamba din ang pagdemolis sa kanila dito. Naorganisa siya dahil sa isyu ng demolisyon na kinaharap ng kanyang komunidad.
Bago nagpasyang sumampa sa BHB, naging aktibo rin si Ka CJ sa gawain ng kabataan, hindi lamang sa kanilang baryo. Nagpasya siyang mag-tour of duty noong buwan ng Agosto 2017, kasama ng iba pang mga kabataan mula sa kanilang baryo. Buwan ng Oktubre 2017 ay dapat matatapos ang kanyang programa ng TOD, panahon naman ito ng kasagsagan ng operasyon sa yunit, hindi niya ipinauna ang pag-iisip ng pag-uwi noon bagkus ay nanatili siya sa mga kasama.
Kabilang siya sa Nasugbu 14.
Nasugbu 14