Anthony Pilit (Ka Jasmine)
Nov. 28, 2017
Isang kabataan mula sa Barangay Patugo, Balayan, Batangas si Anthony Pilit (Ka Jasmine). Namulat siya sa pakikibaka sa lupa sa kanilang komunidad.
Unang gumampan ng gawain si Ka Jasmine sa lokalidad, bilang taguyod ng mga kasama habang naghihintay ng wastong edad. Sumampa siya sa hukbo noong 2017. Nang magpasyang sumampa sa BHB, may malalim nang pagsapol sa tunggalian ng mga uri si Ka Jasmine at mulat niyang naitaguyod at naisabuhay ang rebolusyonaryong gawain at adhikain ng BHB.
Bagaman may kakulitan sa pang-araw araw na buhay, masinop, seryoso at masipag na gumampan sa kanyang tungkulin bilang sinasanay na bise iskwad lider si Ka Jasmine hanggang sa sandali ng kanyang pagbubuwis ng buhay para sa sambayanan.
Kabilang siya sa Nasugbu 14.
Nasugbu 14