Ka Jessie_Henry delos Reyes

Henry delos Reyes (Ka Jessie)

Nov. 28, 2017

Mula sa uring magsasaka si Henry delos Reyes (Ka Jessie) at isinilang at lumaki sa isang komunidad ng tubuhan sa Barangay Coral ni Lopez, Calaca bago nagka-asawa at nanirahan sa Barangay Quisumbing. Nagtatabas siya ng tubo bilang kabuhayan.

Bata pa lamang si Ka Jessie, namulat na siya at naorganisa habang matapang na nakikibaka para sa karapatan sa lupa ang kanyang kinalakhang komunidad na pinaghaharian ng pamilya Lopez. Sa Barangay Quisimbing, dinanas ng kanyang mag-anak ang banta ng pagpapalayas dahil sa pangangamkam ng lupa.

Una siyang kumilos sa lokalidad, hanggang sa tumugon sa panawagan ng kilusang pagwawasto noong 2016. Isa siya sa mga kabataan na hindi na umuwi matapos ang anibersaryo ng Partido sa sonang gerilya.

Sa kanyang pagkamaritr noong Nobyembre 2017, tumatangan siya ng gawain bilang bise iskwad lider.

Kabilang siya sa Nasugbu 14.

Nasugbu 14