Ka Buwi_Julieto Pellazar Jr

Julieto Pellazar Jr (Ka Buwi)

Nov. 28, 2017

Nagmula sa prubinsya ng Rizal si Julieto Pellazar Jr (Ka Buwi), mula sa uring petiburgesya. Gumampan siya ng gawain sa kilusang kabataang estudyante bago sumampa sa BHB.

Mula sa kanyang tinapos na kurso, naiambag niya ang kanyang mga kaalaman sa gadyet sa mga kasamang kanyang nakatrabaho. Bagaman ilang panahon pa lamang na pultaym sa Hukbo si Ka Buwi, nagpasya siyang buong panahong ialay ang kanyang buhay sa armadong pakikibaka ng sambayanan, kasama ng kanyang karelasyon sa kanayunan.

Hanggang sa namartir, gumampan si Ka Buwi ng gawain bilang giyang pampulitika sa yunit. Unang sumampa si Ka Buwi sa ilalim ng tour of duty noong buwan ng Abril-Hulyo 2017. Bumalik siya noong Setyembre 2017 bilang pultaym.

Kabilang siya sa Nasugbu 14.

Nasugbu 14