Ka Zenki_Glenmark Aytona

Glenmark Aytona (Ka Zenki)

Nov. 28, 2017

Mula sa komunidad ng mga mangingisda sa Barangay 4, Balayan, Batangas si Glenmark Aytona (Ka Zenki). Namulat si Ka Zenki sa pakikibaka sa kanilang lugar na idedemolis dahil sasaklawin ng proyekto ng San Miguel Complex.

Bago sumampa sa hukbo, kumilos muna siya sa lokalidad bilang organisador ng mga kabataan, habang tumutulong sa kanyang ama sa pagtitinda. Kasama ng kanyang kapwa kabataan mula sa baryo, naging aktibo sila sa pagpapasigla ng pag-oorganisa at gawaing pangkultura sa hanay ng mga kabataang magsasaka sa lalawigan.

Sumampa si Ka Zenki sa hukbo noong 2017. Gumampan siya ng gawaing militar sa loob ng hukbo. Nagtuluy-tuloy siya sa pagkilos at naging isa sa mga maaasahang sekundaryong upisyal militar at sinasanay na iskwad lider ng yunit hanggang sa siya ay magbuwis ng buhay noong Nobyembre 2017.

Kabilang siya sa Nasugbu 14.

Nasugbu 14