Kamil Manangan (Ka Alex)
Nov. 28, 2017
Nagmula sa Polytechnic University of the Philippines at kumilos sa kilusang kababaihan si Kamil Manangan (Ka Alex) bago nakipamuhay sa BHB noong Disyembre 2016. Isa siya sa mga kabataang tumugon sa panawagan ng Kilusang Pagwawasto noong 2016. Matapos ang anibersaryo, nagpaiwan si Ka Alex para sa anim na buwang programa ng kanyang tour of duty.
Gumampan siya ng tungkulin bilang giyang pampulitika at kahaliling instruktor sa pulitika sa yunit ng hukbo. Nakalahok si Ka Kamil sa mga aksyong militar at pinanday ng kanyang karanasan sa isang depensibang labanan.
Sa pagtatapos ng kanyang TOD noong Hulyo 2017, nagpasya na siyang magpultaym sa Hukbo at naihalal bilang Kagawad ng Komiteng Larangan ng Partido.
Maikli subalit makulay at mayaman ang naging karanasan ni Ka Alex sa loob ng Hukbo. Napakabigat ng kabuluhan ng kanyang naging buhay sa masang ubos-kaya niyang pinagsilbihan.
Kabilang siya sa Nasugbu 14.
Nasugbu 14