Graciela Mae Penkian Pacaldo (Ka Alena)
Nov. 28, 2017
Mula sa pamilya ng mga aktibista at uring mala-manggagawa si Graciela Mae Penkian Pacaldo (Ka Alena). Pamilya ‘Von Trapp’ kung tawagin ang kanilang pamilya dahil sa galing nilang kumanta, tumugtog ng gitara at magtanghal.
Napabilang si Ka Alena sa isang grupo ng mga mang-aawit mula sa isang samahan ng kababaihan. Kalaunan naging boluntir siya sa isang NGO na nagtataguyod sa karapatan ng mga bata. Mula sa dinanas na karahasang militar ng kanyang pamilya noong panahon ng diktadurang Marcos hanggang sa pakikipamuhay niya sa masa, nagpasya siyang tahakin ang mas mataas na anyo ng pakikibaka.
Sumampa sa hukbo si Ka Alena noong Setyembre 2017. Sa loob ng Hukbo, naging masigasig at masiglang tagapagtaguyod ng mga gawaing pampulitika sa hanay ng masa si Ka Alena.
Kabilang siya sa Nasugbu 14.
Nasugbu 14