Josephine Lapira (Ka Ella)
Nov. 28, 2017
Nagmula sa kilusan ng kababaihan at kabataang estudyante si Josephine Lapira (Ka Ella) bago sumampa sa hukbong bayan. Gumampan siya ng gawain sa UP-Manila at aktibong kumilos.
Tangan ang pangarap na maging doktor noong pumasok siya ng UP Manila, namuno si Ka Ella sa mga kapwa niya estudyante bilang kinatawan sa konseho ng kanilang kolehiyo. Sa proseso ng pagsisilbi sa mga Iskolar ng Bayan at pakikipamuhay sa mga magsasaka at manggagawa, namulat siya na walang ibang solusyon sa suliranin ng mamamayan kundi armadong pakikibaka para ibagsak ang bulok na sistema ng lipunan.
Nagpasya si Ka Ella na sumanib sa Hukbo noong Hulyo 2017. Hindi pa man natatapos ang buwan ng Agosto 2017 ay nagdeklara na din agad siya na buong panahong kumilos sa Hukbo. Bago namartir, nagsilbi siya bilang giyang pampulitika sa yunit ng BHB.
Walang pag-iimbot niyang tinalikuran ang sariling interes para ialay ang kanyang panahon at buhay para sa rebolusyon.
Kabilang siya sa Nasugbu 14.
Nasugbu 14