Ka Ana_Evelyn Nuestro Manalo

Evelyn Nuestro Manalo (Ka Ana)

Nov. 28, 2017

Nagmula sa uring maralitang magsasaka sa Visayas, dinala si Evelyn Nuestra Manalo (Ka Ana) ng kanyang ama sa Barangay Bunducan, Nasugbu noong siya ay 14 taong gulang. Sa hirap ng buhay ay nagtrabaho si Ka Ana, bilang magtatabas at magkakarga ng tubo.

Di kalaunan, naugnayan ng mga kasama ang nag-alaga kay ka Ana. Dito na rin siya naugnayan ng mga kasama. Noong 1999 ay sumampa na si Ka Ana sa BHB at maituturing na isa sa matatagal nang kasama na kumikilos sa West Batangas nang masimulang balikan ito noong 1997.

Sa loob ng yunit, naging punong tagapagtiyak siya ng lohistika, giyang pampultika at naging instruktor ng mga pampulitikang pag-aaral. Nakalahok din siya sa ilang gawaing militar.

Mula sa masalimuot na karanasan ni Ka Ana bunsod ng kahirapan ng kanyang pamilya, nahubog niya mula sa simpleng tapang ng pag-depensa niya sa kanyang sarili ang rebolusyonaryong kagitingan sa pagtatanggol sa karapatan at interes ng lahat ng pinagsasamantalahang uri.

Kabilang siya sa Nasugbu 14.

Nasugbu 14