Victor Daligdig (Ka Changli)
44, Nov. 23, 2025
Si Ka Changli ay isang matapang at lahatang-panig na kadreng pulitikal-militar. Nagmula siya sa Butbut tribe ng Kalinga at nagmula sa isang mahirap na pamilyang magsasaka. Ipinanganak siya noong Abril 17, 1979 sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga. Dahil sa kahirapan ng kanyang pamilya, nakaabot lamang siya sa unang taon ng mataas na paaralan noong 1996.
Noong Abril 2000, ang batang si Victor ay naging aktibong myembro ng rebolusyonaryong Kabataang Makabayan-Demokratiko nga Alyansa ti Agtutubo iti Kordillera (KM-DATAKO, Patriotic Youth-Democratic Alliance of the Cordillera Youth). Bilang aktibong myembro ng KM-DATAKO, hindi lamang siya nakilahok sa pagpapakilos, pag-oorganisa at pagmamobilisa sa mga kabataan sa kanyang barangay at sa iba pang kalapit na barangay, kundi pati na rin sa rebolusyonaryong gawain sa mga katutubong masa ng magsasaka, at pagbubuo sa kanila bilang rebolusyonaryong Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid.
Noong Enero 30, 2008, sumapi sa NPA ang batang si Victor sa edad na 27. Ang kanyang unang alias ay Ka Sid. Hindi siya kailanman “lielow” o tumigil sa gawaing armadong pakikibaka ng NPA kahit sa maikling panahon. Patuloy siyang nakilahok at aktibong nakibahagi sa pagbubuo ng mga mass base, agraryong rebolusyon, at pagsulong ng armadong pakikibaka sa nakalipas na 17 na taon bilang isang fulltime na Pulang mandirigma.