Ka Val_Federico Diaz

Federico Diaz (Ka Val)

56, Nov. 7, 2017

Nagmula sa uring magsasaka si Federico Diaz (Ka Val) at naging lider-magsasaka ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM) bago sumapi sa hukbong bayan. Kinikilala at nirerespeto siya ng masang magsasaka sa Cuartero, Dumarao, Maayon at Pontevedra sa Capiz, at sa Lemery sa Iloilo.

Mahigit tatlong dekada ang inialay ni Ka Val sa paglilingkod sa masa ng Panay. Bilang Pulang kumander, madali siyang lapitan ng kanyang mga elemento para magpaabot ng kanilang mga palagay at suliranin. Malaki ang naiambag ni Ka Val sa armadong pakikbaka sa eryang kinilusan dahil sa mahusay na pagkakabisa sa masa at tereyn.

Hanggang sa kanyang huling hininga, magiting siyang nagtanggol at hindi bumitaw sa armas sa pakikipaglaban sa isang platun ng kaaway sa Sityo Tigpaka, San Antonio, Cuartero, Capiz noong Nobyembre 7, 2017.