Ka Lito_Remy Beraye

Remy Beraye (Ka Lito)

Nov. 7, 2017

Dalawampu't-limang taon ang inialay ni Remy Beraye (Ka Lito) sa paglilingkod sa masang magsasaka at anakpawis bago namartir sa isang labanan sa Sityo Tigpaka, San Antonio, Cuartero, Capiz noong Nobyembre 7, 2017.

Bago sumapi sa hukbong bayan, nagsilbi siya bilang lider-estudyante ng League of Filipino Students sa West Visayas State University, at pagkatapos ay bilang organisador ng Kilusang Mayo Uno. Kumilos din siya bilang organisador ng mga maralitang lunsod sa Roxas City, hanggang mamuno siya sa Bayan-Capiz.

Ang malaking tulong niya sa pagpapasigla ng demokratikong kilusan sa Capiz ang dahilan ng panggigipit sa kanya ng kaaway, at nagtulak sa kanya na sumapi sa BHB isang buwan bago siya namartir.