Felizardo Cerilo (Ka Bong)
53, Nov. 7, 2017
Si Felizardo Cerilo (Ka Bong) ay mula sa hanay ng uring magsasaka bago sumapi at naging Pulang kumander ng Bagong Hukbong Bayan sa isla ng Panay. Kabilang siya sa hanay ng mga mahuhusay na lider ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid na nagbuklod sa pagkakaisa at pakikibaka ng masang magsasaka.
Kilala si Ka Bong sa mga komunidad ng Cuartero, Dumarao, Maayon at Pontevedra sa Capiz, at sa Lemery sa Iloilo kung saan siya kumilo. Mahigit 30 taon ng kanyang buhay ang ginugol at inialay ni Ka Bong para sa pambansa-demokratikong rebolusyon.
Hindi naglubay sa pagtangan ng armas si Ka Bong sa harap ng higit isang oras na gitgitang labanan sa 61st IB noong Nobyembre 7, 2017 na naganap sa Sityo Tigpaka, San Antonio, Cuartero, Capiz. Sa labanang ito siya namartir kasama ang dalawa pang mandirigmang gerilya.