Samuel Nuynay (Ka Marjon)

Feb. 9, 2023

Sina Rufino Alva (Ka Caloy), Samuel Nuynay (Ka Marjon), Renebor Barzaga (Ka Jun), Jerome Sabang (Ka Mike), at Atrocinio Aton (Ka Rey) ay pansamantalang huminto sa lugar upang dinggin ang mga hinaing at problema ng masa, laluna sa usapin ng lupa. Pinagpupugayan sila bilang mga huwarang bayani at tunay na anak ng Masbate. Ang kanilang pinakamataas na sakripisyo ay inspirasyon sa mga kapwa nila kasama at sa masang Masbatenyo upang magpunyagi sa buhay-at-kamatayang landas ng rebolusyonaryong pakikibaka.

Narmartir ang lima sa isang labanan sa Barangay Guiom, Cawayan, Masbate noong Pebrero 9, 2023.