Roberto Cabales (Ka William)
Oct. 5, 2025
Isa sa mga itinatangi na lider ng PKP at BHB si Kasamang William. Bago magpultaym, nag-aaral siyang maging doktor. Ang kanyang pagsasanay sa kanluranin, silangan at tradisyunal na medisina ay kanyang pinagsanib upang mapaunlad ang paggamot sa masang kalakhan ay pinagkaitan ng nararapat na serbisyong medikal. Ang kanyang hangarin na maging manggagamot ay naging udyok upang sumali sa kilusang maghihilom ng lipunang lugmok sa sakit ng katiwalain at kahirapan.