Joel Amatorio (Ka Marco)
34, Sept. 20, 2017
Si Joel Amatorio (Ka Marco), 34 taong gulang, ay kilala rin sa mga pangalang Ka Tuse, Ka Jimar at Kuya. Siya ay mula sa uring mala-manggagawa sa Baler, Aurora. Dumaan siya sa maraming trabaho kabilang ang pagtitinda ng sorbetes.
Sa kaniyang pagtitinda ay nakilala niya ang mga kasama na kumikilos sa baryo. Doon siya unti-unting namulat at napakilos. Nagpultaym si Ka Marco sa hukbong bayan noong 2001. Siya ay pinanday ng pakikibaka sa pagsusulong ng mga gawain lalo na noong panahon ng Oplan Bantay-Laya ng rehimeng US-Arroyo sa Auora.
Siya ay naging isang mahusay na iskwad lider at nagpakita ng kahusayan sa gawaing partisano. Natatangi ang kaniyang kakayahan bilang isnayper (sharp shooter). Liban sa gawain militar, gumampan ng tungkilin si Ka Marco sa komite ng Sangay ng Partido sa Platun. Aktibo siya sa pagbibigay ng pag -aaral at pagasanay lalo na sa mga bagong sampa sa hukbo.
Natatangi rin ang kaniyang magandang boses na lagi’t laging umaawit ng mga rebolusyonaryong awitin at ang kaniyang malakas na halakhak na nagpapasaya sa mga kasama.