Raymond Dosdos (Ka Lyn/ RM)
36, May 27, 1989 - July 19, 2025
Sa murang edad, naging katuwang si Ka Lyn ng kanyang mga magulang sa pagsasaka habang nag-aaral ng elementarya. Bunsod ng kahirapan sa buhay, nagpasya siyang makipagsapalaran sa Maynila bilang house boy. Matapos mamulat sa rebolusyonaryong kilusan, taong 2012, nagpasya siyang sumapi sa BHB at naging ganap na kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong 2013. Dahil sa pagiging masigasig sa gawain sa hukbo, mula sa pagiging mandirigma ay naging tim lider at tumayong instruktor sa pulitika ng platun. Sa kabila ng pagiging mahilig sa gawaing militar, nagsikap siyang mapahusay ang paggampan sa gawaing masa. Bunsod na rin ng kahusayan niya sa gawaing militar, itinalaga si Ka Lyn bilang Platun Lider (PL) ng SDG ng larangan taong 2018 at naitalagang intel officer ng POC taong 2021 at Pangalawang Platun Lider (PPL) ng buong prubinsya taong 2023.