Randy Malayao (Ka Randy)
49, Aug. 29, 1969 - Jan. 30, 2019
Lumaki sa simpleng pamilya na may malasakit sa kapwa si Ka Randy. Bilang panganay, naging huwaran siya sa kanyang mga kapatid. Sa University of the Philippines Visayas, naging Editor-in-Chief siya ng Ang Mangingisda at Pangalawang Pangulo ng College Editors Guild of the Philippines para sa Visayas. Tumulong siyang buhayin muli ang mga pahayagan sa kampus at kumilos bilang pultaym sa pambansang tanggapan ng CEGP sa Manila.
Noong 2008, siya ay hindi makatarungang ikinulong at tinortyur sa ilalim ng rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo. Nakalaya siya matapos ang apat na taon. Naging kilala siyang tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Cagayan Valley at naging pinakabatang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines sa mga negosasyon para sa kapayapaan.
Pinaslang si Ka Randy noong Enero 30, 2019 habang natutulog sa isang bus patungo sa kanyang bayan sa Nueva Vizcaya. Siya ay 49 taong gulang.



