MM-2

Myrna Sularte (Ka Maria Malaya)

Feb. 12, 2025

Tubong Bayugan City, Agusan del Sur, nagmula si Ka Maria, 71, sa isang pamilya ng panggitnang magsasaka. Nagtapos siya ng kursong agroteknolohiya sa isa sa mga unibersidad sa Butuan. Sumapi siya sa Partido noong 1977 at sa sumunod na limang dekada, gumampan siya ng iba't ibang tungkulin, kabilang ang pamumuno sa rebolusyonaryong gawain sa mga lungsod at kanayunan, kapwa sa kanluran at hilagang-silangang Mindanao.

Kagawad siya ng Komite Sentral at Kawanihan sa Pulitika. Pinamununa niya ang Komisyon ng Mindanao at tumayong kalihim ng Panrehiyong Komite ng Partido sa Northeast Mindanao sa nakaraang mahigit dalawang dekada. Nagsilbi rin siyang tagapagsalita ng National Democratic Front sa Northeast Mindanao. Sa loob ng maraming taon, mahigpit niyang naging katuwang ang kanyang asawa, ang dating tagapagsalita ng BHB na si Ka Oris, sa pamumuno ng Partido at ng BHB sa pagkamit ng rebolusyonaryong mga tagumpay sa pagsusulong ng matagalang digmang bayan.

Namartir siya sa kahuli-hulihan niyang pakikipaglaban noong Pebrero 12, 2025 sa Barangay Pianing, Butuan City, sa isang matinding sagupaan sa pagitan ng BHB at mga pwersa ng 901st Ibde.