Ka Moc_Lilibeth Donasco

Lilibeth Donasco (Ka Moc)

March 30, 2017

Si Lillibeth Donasco (Ka Moc/Ka BJ), higit 30 gulang at may piniling kasarian, ay nagmula sa pamilyang magsasaka sa Bulalacao, Oriental Mindoro. Sumampa siya sa Hukbo noong 2009 at naipaloob sa yunit sa gawaing masa.

Nahuli siya noong Pebrero 2010 nang dumalo sa isang pagsasanay medikal at matapos makalaya noong Disyembre 2010 ay kagyat na bumalik sa mga kasama sa kanayunan. Sa loob ng halos isang dekada niyang pagiging hukbo, ipinamalas niya ang kanyang pag-unlad mula sa isang kabataang magsasaka tungo sa isang kumander, giyang pampulitika at medik ng bayan.

Taglay ang mga katangiang pagiging matapang, masayahin, mabait at maasikaso sa mga kasama at masa, hahanap-hanapin natin si Ka Moc. Maalalahanin at mapagmalasakit siya sa kanyang pamilya kahit na nasa Hukbo na siya.