Liezel Bandiola (Ka Mayang)

44, Aug. 15, 2018

Isang rebolusyonaryong manunulat si Ka Mayang. Nagsilbi siya bilang kadre sa propaganda at kultura ng Partido sa Panay. Bilang instruktor ng mga pormal na pag-aaral ng Partido sa rehiyon, walang pagod niyang ipinauunawa sa masa at mga kasama ang kabuluhan ng armadong pakikibaka.

Noong Agosto 15, 2018, sa edad na 44, kasama si Ka Mayang sa tinaguriang "Antique 7," pitong hindi armadong rebolusyonaryo na minasaker ng pinagsanib na pwersa ng 301st IBde, 61st IB at pulisya sa San Jose, Antique.