Karen Ceralvo (Ka Liway)
41, Aug. 15, 2018
Bilang isang kadre sa propaganda at kultura ng Partido sa Panay, masikhay si Ka Liway sa pagbibigay ng mga pormal na pag-aaral ng Partido sa rehiyon. Paminsan-minsan din siyang nagsusulat ng tula.
Noong Agosto 15, 2018, sa edad na 41, kasama si Ka Liway sa tinaguriang "Antique 7," pitong hindi armadong rebolusyonaryo na minasaker ng pinagsanib na pwersa ng 301st IBde, 61st IB at pulisya sa San Jose, Antique.