June Eric Perey (Ka Japs)
March 30, 2017
Tubong-Silang sa Cavite, si June Eric Perey (Ka Japs/Jebs) ay mula sa uring magsasaka. Kagawad siya ng Komiteng Larangan bago namartir sa isang taktikal na opensiba sa Sityo Lalawan, Barangay Benli, Bulalacao noong Marso 30, 2017.
Bago naghukbo, naging organisador siya sa hanay ng mga kabataan at magsasaka noong 2009 hanggang 2012. Nagdeklara siya ng tour of duty hanggang magpultaym sa kanayunan noong 2013 hanggang 2017.
Nakasama siya sa mga mahahalaga at matatagumpay na laban sa Mindoro at gumampan ng papel bilang upisyal paniktik sa platung kinapapalooban. Masigasig siyang mag-aral at magsanay. Naging upisyal siya sa pulitika sa loob ng platun at naging kagawad ng namumunong komite ng Partido sa platun.