Joshua Sagdullas (Ka Milyong/Ka Martin)
May 28, 2023
Estudyante ng Political Science si Sagdullas sa University of Tacloban nang una siya maging aktibista. Nang magtapos siya, naging kalihim siya ng Bagong Alyansang Makabayan ng Eastern Visayas. Dito niya dinanas ang walang puknat na sarbeylans, intimidasyon at pananakot. Dahil dito, sumukob siya sa BHB-Samar, at kalauna'y nagpasyang talikuran ang dating buhay para magpultaym sa Pulang hukbo.
Namartir siya sa isang sagupaan sa Barangay Mabini, Catarman, Northern Samar noong Mayo 28, 2023. Kasabay niyang namartir sina Geraldine Teopinto (Ka Luz), Abigail Padula Baselga (Ka Moana) at Vicente Termo.