Jordan Mopon (Ka SY/Ka Boyong)
40, Oct. 17, 2025
Nagmula si Ka Sy sa isang pamilyang magsasaka sa Antipolo City, Rizal na namulat dahil sa hirap ng buhay. Naorganisa siya sa grupong pang-organisa ng mga kabataan sa edad na 16 at sumampa sa BHB pagsapit ng 18 noong 2003. Mula sa pagiging S4 at opisyal sa iskwad tungo sa pagiging kagawad ng Komiteng Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan at kagawad ng Regional Operational Command ng BHB, hanggang Pangalawang Kalihim ng komite ng Partido sa larangang gerilya sa hangganang Rizal-Laguna-North Quezon at tumayong Punong Kumander ng subrehiyunal na kumand sa operasyon nito. Binigyang tinig din niya ang tagapagsalita ng NAAC-NPA-Rizal na si Ka Macario “Karyo” Liwanag. Ang kanyang boses ang nasa likod ng katauhan ni Ka Karyo sa mga panayam sa radyo at bidyo.