Jomari Palomar (Ka Jonnel)
26, Aug. 7, 2025
Nagmula sa pamilya ng mga maralitang magsasaka mula sa Kabisayaan na lumipat sa Mindoro dala ng kahirapan at kawalan ng kabuhayan. Sa loob ng halos isang dekada pinanday ni Ka Jonnel ang sarili bilang Pulang mandirigma at kadre ng Partido. Isang kadreng pulitiko-militar din si Ka Jonnel. Isa sa mga kalakasan niya ang gawaing ekspansyon. Sa katunayan, nitong huling mga buwan, gumampan si Ka Jonnel ng breyktru at napakahalagang papel sa pag-ugnay sa mga bago at nirereaktibang masa, pagtuklas ng bagong mga ruta at himpilan at pag-konsolida sa baseng masa sa panahong sumasagipsip ang psywar ng kaaway. Dahil dito, inabot ni Ka Jonnel ang antas bilang kadreng panlarangan sa Partido at may kakayahang magdala ng iskwad.