John Ryan Macatigbak (Ka Rexel)
Sept. 24, 2017
Bata pa lamang ay namulat na si John Ryan Macatigbak (Ka Rexel) sa pakikibaka sa kanilang lugar. Naorganisa siya sa isang komunidad ng mga mala-manggagawa at mangingisda sa Barangay 4, Balayan na kumaharap sa isyu ng pagpapalayas para sa San Miguel Complex.
Naging aktibo siyang kasapi ng rebolusyonaryong organisasyon ng kabataan sa baryo at nagpakita ng hilig at kakayahan sa gawaing pangkultura. Una siyang kumilos sa isang samahan ng kabataan upang mag-organisa ng kabataan sa Unang Distrito ng Batangas. Noong 2011, naging pultaym na organisador siya sa hanay ng mga kabataang magsasaka.
Dalawang taon makalipas, nagpasya siyang sumampa sa hukbong bayan. Pero dahil sa likas pang kabataan at malalim na impluwensya ng kulturang burgis, hindi nagtuluy-tuloy ang pagkilos ni Ka Rexel. Bumalik siya sa kanilang komunidad at naging aktibong boluntri sa mga gawain sa hanay ng kabataan.
Matapos muling magkaroon ng pagkakataon na makapasok sa loob ng sonang gerilya sa inilunsad na programa para sa Anibersaryo ng Partido noong Disyembre 2016, isa siya sa nagkakailang kabataang muling tumugon sa panawagan ng pagsampa sa BHB. Kumilos siya sa yunit ng BHB sa East Batangas at namartir noong Setyembre 24, 2017 sa Bundok Banoy sa Batangas City.