Ka Ash_Jeramie Garcia

Jeramie Garcia (Ka Ash)

March 7, 2017

Tubong-Laguna si Jeramie Garcia (Ka Ash) at nagpasyang sumampa sa hukbong bayan sa Mindoro. Isa siyang manggagawang pangkultura sa rehiyon. Mahusay umarte, sumayaw at mag-awit-galaw, at sa pamamagitan nito mahusay ding nailalarawan ang tunay na kalagayan ng mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan at ang kanilang pakikibaka.

Tinahak ni Ka Ash ang pinakamataas na antas ng pakikibaka, ang armadong pag-aambag at inilaan dito ang kanyang lakas, talino at maging ang kanyang buhay. Maiksi man ang panahon ng kanyang pagiging Pulang mandirigma matapos mamartir sa isang depensibang labanan noong Marso 2017, hindi matatawaran ang kanyang kadakilaan sa pag-aalay ng buhay alang-alang sa pagpapalaya ng sambayanan.