Ising Domingo (Ka Mutya)
30, Aug. 7, 2025
Isang bagong pultaym na mandirigma mula sa hanay ng mga katutubong Mangyan-Hanunuo sa Barangay Paclolo, Magsaysay, Occidental Mindoro. Bagamat baguhan, nagpakita na si Ka Mutya ng matibay na paninindigan para sa rebolusyon at para sa kapwa niya katutubo. Dati nang biktima ng sapilitan at iligal na pagpapasuko ng mga pasistang sundalo si Ka Mutya. Matapos mapilitang sumuko, ginawa siyang utusan ng mga pasista, pinagtrabaho siya sa palaisdaan nang walang sahod sa loob ng isang buwan at maya’t mayang binubugbog. Dati na siyang sumampa sa BHB noong 2018, kaya naman noong mabalikan ng yunit ng BHB ang kanilang erya, mulat at aktibo siyang tagapagtaguyod ng yunit. Naging mahigpit siyang katuwang para balikan ang mga masa at eryang pansamantalang naiwanan.