Ka Abdul_Isaac Cataytay

Isaac Cataytay (Ka Abdul)

April 7, 2017

Si Isaac Cataytay (Ka Abdul), taga-Mamburao, Mindoro Occidental, ay sumampa sa BHB noong 2008. Naging isang matapang, masigasig at masipag na mandirigma hanggang isang responsable at maaasahang upisyal ng BHB. Naging kasapi siya ng Partido at naipaloob at naging kagawad ng Komiteng Larangan sa isang larangang gerilya sa Mindoro Occidental.

Nasugatan siya sa ulo sa isang taktikal na opensiba noong Marso 30, 2017 sa Barnagay Benli, Bulalacao na nagresulta sa kanyang pagkamatay noong Abril 7, 2017.

Sa hukbo, nagsilbi siya bilang iskwad lider at bise iskwad lider. Nagpakahusay siya sa kaalaman sa ordnance at demo, at isnayping.