Hannah Cesista (Ka Maya)

Feb. 23, 2023

Tubong Cebu, nagtapos ng abogasiya si Ka Maya sa University of San Carlos sa Cebu. Naging aktibista siya habang estudyante sa UP-Cebu. Bago siya sumapi sa BHB-Bohol, nagsilbi siyang paralegal sa grupong tagapagtanggol sa karapatang-tao at naging mulat sa pagsasamantala at pang-aapi ng iba't ibang sektor sa rehiyon.

Kasama si Ka Maya sa limang Pulang mandirigma na dinakip, sadyang pinatay at pinalabas na namatay sa engkwentro sa Barangay Campagao, Bilar, Bohol noong Pebrero 23. Kinilala bilang "Bilar 5" sina Ka Maya, Domingo Compoc (Ka Silong), Parlito Segovia (Ka Aldrin), Marlon Omosura (Ka Darwin) at Ka Juaning.