Felicardo Salamat (Ka Japson/Ka Jelmon)
48, Aug. 16, 1968 - March 7, 2017
Ipinanganak si Felicardo Salamat (Ka Japson) noong Agosto 16, 1968. Anak siya ng mga magsasaka sa bayan ng Guinayangan, Quezon, at nagpultaym sa kanyang kabataang edad noong 1985 at mula noon ay nagsilbi sa Bagong Hukbong Bayan nang wala ni anumang rekord ng pamamahinga.
Tatlumpu’t dalawang taon ng kanyang buhay ang iginugol niya sa rebolusyon. Kilala siya bilang matapang na mandirigma at kumander ng BHB. Kumilos siya sa Mindoro at sa hangganan ng Quezon-Bicol Zone ngunit mas mahabang panahon ay sa mga larangang gerilya sa South Quezon Bondoc Peninsula.
Nahuli at ikinulong siya ng kaaway nang dalawang beses ngunit pagkalaya ay kaagad na bumalik sa rebolusyonaryong pagkilos at pagseserbisyo sa hukbong bayan.
Namartir siya sa isang labanan kasama ang tatlong iba pa sa Sityo Umagos, Barangay Camplora, San Andres, Quezon noong Marso 2017.