Emarie Pastidio (Ka Jandy)
Feb. 21, 2024
Aktibistang pangkultura si Ka Jandy nang iligal na inaresto noong 2018. Nang makalaya, nagpasagip siya sa BHB-Negros at kalauna'y sumapi dito. Muli siyang dinakip noong 2021, habang nasa maternity leave. Nakatakas siya sa sikretong detensyon kung saan dumanas siya ng tortur at panggagahasa sa kamay ng mga sundalo, 10 araw mula nang siya ay madakip. Kasabay ng kanyang detensyon, inagaw ng militar sa nag-aalagang mag-asawa ang anak niyang si Baby Marx at hanggang ngayon ay di pa ibinabalik sa kanyang pamilya.
Tubong Escalante, namartir si Ka Jandy sa isang labanan noong Pebrero 21 sa Sityo Mansulao, Barangay Pinapugasan, Escalante City. Namartir din sa parehong labanan si Joshua Sultan (Ka Jorge).