Emanuel Balano Anob (Ka Berto)

67, March 29, 2023

Surbeyor sa National Irrigation Administration (NIA) si Ka Berto, bago siya sumpi sa BHB noong 1980 sa edad na 24 anyos. Sa loob ng 43 taon, ginampanan niya ang iba't ibang gawain sa loob ng rebolusyonaryong kilusan. Nagsilbi siyang kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite ng Partido sa Rehiyon ng Northeast Mindanao.

Namartir siya sa edad na 67 matapos dukutin ng Intelligence Division 13, Police Regional Office 13 at 3rd Special Forces Batallion noong Marso 29, 2023. Matapos sadyang patayan, inilitaw ang kanyang bangkay sa covered court ng Barangay San Juan, Bayugan City.