Eljie Gomez Adorna (Ka Maleya)

June 16, 2023

Nakilala bilang "NPA Radio DJ," boses si Ka Maleya ng Radyo Demokratiko ng BHB-Surigao del Sur. Nagmarka ang mga programang pinangunahan niya sa masa sa saklaw ng kanyang yunit. Lampas dito, kinagiliwan ang kanyang pagbabalita, paghahatid ng mga pahayag, at pagpapatugtog ng rebolusyonaryong musika ng maraming netizen sa social media.

Narmartir si Ka Maleya sa isang pambobomba sa ere noong Hunyo 16, 2023 sa Upper Anticala, Butuan City. Kasama niyang namartir sina Mikee Quillano Iligan (Ka Mitch), Alvet Martinez Catapte (Ka Renz), mag-asawang Ruel Arellano (Ka Dodo) at Raylyn Cerona Subere (Ka Kiya).