Eldie Labinghisa (Ka Ipoy)
56, Aug. 15, 2018
Isang debuhista at makata si Ka Ipoy. Nagsilbi siya bilang kadre sa propaganda at kultura sa Panay. Inilarawan ng kanyang mga obra ang buhay at pakikibaka ng masang magsasaka at iba pang aping mamamayan.
Noong Agosto 15, 2018, sa edad na 56, kasama si Ka Ipoy sa tinaguriang "Antique 7," pitong hindi armadong rebolusyonaryo na minasaker ng pinagsanib na pwersa ng 301st IBde, 61st IB at pulisya sa San Jose, Antique.