Edwin Ventura (Ka Alas)

Aug. 27, 2025

Ipinanganak sa Barangay Senonogan de Tubang, Silvino Lobos si Ka Alas. Naging kasapi siya ng Kabataang Makabayan bago boluntaryong magdeklarang buong panahong kumilos bilang mandirigma ng BHB. Naging Pulang mandirigma si Ka Alas noong 2017 at nagsilbing upisyal ng iskwad. Sa loob ng hukbo, masipag at masigasig siyang gumampan ng pulitiko-militar na gawain habang patuloy na nagpapanibagong hubog. Sa pagpupursige, natuto si Ka Alas na kumilala ng letra, magbasa at magsulat. Dahil sa mahusay niyang paggampan ng gawain, naging kasapi siya ng Partido bago magtapos ang 2017.