Dionisio Micabalo (Ka Delong)

July 26, 2023

Ipinanganak si Ka Delong sa pamilyang maliit na panginoong maylupa. Nag-aral siya ng kursong BS Accounting sa isang kolehiyo sa Cagayan de Oro kung saan una siyang naorganisa. Taong 1982, sumanib siya sa BHB sa Misamis Oriental. Sa mahaba niyang paglilingkod sa bayan, dinaanan niya ang iba't ibang gawain, sa iba't ibang antas ng pagrerebolusyon. Nagsilbi siyang kalihim ng PKP-NCMR simula 2009. Sa Ika-2 Kongreso ng Partido, nahalal siya sa Komite Sentral at mula rito, sa Kawanihan sa Pulitika nito.

Namartir sa sagupaan si Ka Delong sa Barangay Libertad, sa Gingoog City, Misamis Oriental noong Hulyo 26, 2023.