Arjen Mahinay (Ka Nonong)

Feb. 5, 2023

Dekada 1980 pa naging Pulang mandirigma si Ka Nonong, na noo'y isang magsasaka sa Pinggot, Ilog, Negros Occcidental. Panandalian siyang nasangkot sa RPA-ABB noong 1990, pero lumabas siya rito dahil nakita niya ang kabulukan nito. Nagpasya siyang muling magpultayn sa BHB noong 2019 at gumampan bilang upisyal sa pinansya at lohistika ng kanyang yunit.

Namartir si Ka Nonong nang dakpin siya, kasama ang medik na si Ka Ruben, sa isang bahay kung saan nagpapagaling siya matapos ma-stroke. Sadya siyang pinatay ng nag-ooperasyong militar noong Pebrero 5, 2023 sa Barangay Oringao, Kabankalan City, Negros Occidental.