ka carlo

Andres Hubilla (Ka Carlo)

59, Nov. 30, 1958 - July 28, 2017

Si Andres Hubilla ay kilala bilang Ka Carlo, Ka Magno, Ka Bunso at Lolo Pay para sa napakaraming kabataang nakasaksi't nakapiling niya sa kanyang walang sawang pakikisalamuha sa masa. Ipinanganak siya noong Nobyembre 30, 1958, sa Sta. Cruz, Casiguran, Sorsogon.

Unti-unting namulat si Ka Carlo sa pagmasid sa mga pulong pag-aaral ng Kabataang Makabayan, kung saan myembro ang isa niyang kapatid. Labing-apat na taong gulang siya nang iligal siyang inaresto, ikinulong at tinortyur noong 1975 matapos ipinagkanulo ng isang impormer.

Noong 1984, pumaloob siya sa Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid at naging kasapi ng Partido noong 1986. Nagpasyang magpultaym na mandirigma ng BHB si Ka Carlo noong 1987.

Matapos ang ilang dekada ng matapat na pagsisilbi at walang pag-aalangang paghubog sa sarili bilang komunista, hinirang siyang kalihim ng Komite ng Partido sa Sorsogon at di kalauna'y kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon. Namartir siyang ginagampanan ang mga tungkuling ito.