Alvin Soria (Ka Seven)

35, Sept. 20, 2017

Namulat si Alvin Soria (Ka Seven) sa demokratikong rebolusyong bayan kasabay ng pagsigla ng agraryong rebolusyon at aksyong militar sa Nueva Ecija at napaloob sa grupo ng Kabataang Makabayan sa kanilang baryo. Ang kanyang pamilya ay walang sariling lupa at mga maralitang magsasaka ng Pantabangan, Nueva Ecija.

Noong 2005, nagpasyang sumapi sa hukbong bayan si Ka Seven. Sa kaniyang pagsampa ay kinaharap niya ang paghigpit ng sitwasyong militar dulot ng Oplan Bantay-Laya. Magiting siyang nakipaglaban sa mga kaaway sa harap ng mga pukpukang labanan na umabot ng halos buwan-buwan. Kumilos siya sa yunit ng BHB na umiral sa Nueva Ecija at may mahabang panahon na kumilos din sa Aurora.

Dito napanday ang kaniyang kakayahang militar hanggang sa naging isang iskwad lider. Malaki ang kaniyang iniambag sa gawaing rekoberi lalo na sa bayan ng Carranglan. Naging malaking bentahe sa pagsusulong ng rebolusyonaryong gawain sa erya ang pagiging lokal niya doon.