Allysa Lemoncito (Ka Ilaya)

Dec. 17, 2023

Mula sa uring petiburges, namulat si Ka Ilaya sa bulok na tugon ng noo'y rehimeng Duterte sa pandemyang Covid-19. Naging kasapi ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Laguna, at sa kalauna'y naging kagawad ng Partido. Nagpasya siyang magpultaym sa BHB-Batangas matapos makiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Partido noong 2022.

Namartir siya, kasama ng lima pang Pulang mandirigma, matapos madakip at sadyang patayin ng berdugong 79th IB sa Balayan, Batangas noong Disyembre 17, 2023. Kinilala sila at ang dalawang sibilyang sina Sheine Anacta at Rose Jane Agda bilang Balayan 8.