Aileen Serna (Ka Pia)
37, Sept. 22, 1979 - May 8, 2017
Si Aileen Serna (Ka Pia/Vicky) ay nagmula sa uring magsasaka at ipinanganak noong Setyembre 22, 1979 at nanirahan sa Magsaysay, Occidental Mindoro. Nagpultaym siya sa hukbong bayan noong Disyembre 1999 upang makapiling ang kanyang ama na si Ka Armando Serna (Ka Sixto), na namartir noong Enero, 2000.
Si Ka Pia ay naglingkod bilang kagawad ng Komite ng Partido sa Isla ng Mindoro. Isa siyang haligi ng Komiteng Larangan sa Hilagang Mindoro–gumampan sa mga gawain sa organisasyon, edukasyon, at pinansya.
Sa halos dalawang dekada niyang pagkilos, dinaanan niya ang unti-unting pagpanday bilang isang rebolusyonaryo at namalas ng mga kasama ang kanyang kahusayan sa maraming gawain sa rebolusyon.