Rey Almanzor Moreno (Ka Alex)

33, Dec. 2, 2025

Ipinanganak noong Pebrero 27, 1992 sa Santa Cruz, Palanas si Rey Almanzor Moreno. Bunsod ng kahirapan sa buhay, hindi siya nakapagtapos sa elementarya. Lumipat ang kanyang pamilya sa Barangay Malibas, Palanas. Habang wala sa hukbong bayan, aktibo pa siya sa organisasyon sa lokalidad sa kanilang barangay. Taong 2023 nang magpasya siyang sumapi bilang pultaym sa BHB. Dahil sa pagiging masigasig sa gawain at kahusayan sa gawaing militar, itinalaga siya bilang pangawalang iskwad lider sa kanilang platun.

San Mateo 7