Insidente
San Mateo 7
Eksaktong isang buwan na ang nakalipas ngunit malinaw pa rin sa alaala ng mga kasama at masa ang mga halakhak, biro, payo, katatagan at katapangan ng pitong kasamang sina Ka Edwin, Ka Alex, Ka Ruel, Ka Rex, Ka Dennis, Ka Marian at Ka Loyd. Sila ay nasawi matapos makubkob ng mga pasistang pwersa ng 2nd Infantry Battalion Philippine Army (2nd IBPA) sa Barangay San Mateo, Uson noong Hulyo 27, 2025. Ibinuwis ng naturang mga kasama ang kanilang buhay sa paglilingkod at pagsisilbi sa mga inaapi at pinagsasamantalahang masang Masbatenyo at sa bayan.