archie-arceta-parangal-tinipong-mga-tula

Archie Arceta (Ka Soral/Teo/Ron)

June 26, 2024

Kilala bilang Soral Malaya, rebolusyunaryong makata, nagmula sa uri ng mababang petiburgis sa kalunsuran. Taong 2008 ay na-organisa si Ka Ron sa kanyang unang taon pa lamang sa kolehiyo sa Jose Rizal University. Namulat siya na ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa eskwelahan. Sa kanyang kasigasigan, nagsilbi siyang pambansang upisyal ng organisasyong pangkabataan.

Nagpultaym sa BHB si Ka Ron noong 2011 at nagsilbi sa National Military Staff (NMS) na naka-base sa Tarlac. Mayaman ang kanyang karanasan sa pag-oorganisa ng mga magsasaka sa kanayunan. Naging bahagi siya ng komite ng platun at distrito sa Tarlac, ilang bahagi ng Pangasinan at Nueva Ecija. Mula sa pambansang istap ng Hukbo, tuluyan silang ipinailalim sa pamumuno ng rehiyon.

Namartir siya, kasama ng siyam pang mandirigma, sa isang depensibang labanan, kung saan gumamit ang militar ng mga helikopter at drone, sa Barangay Malbang, Pantabangan, Nueva Ecija, noong Hunyo 26, 2024.

Mga martir ng Pantabangan 2024-06-26